^

Police Metro

40 foreign jihadist kasama sa bakbakan ng Maute terror group

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinatayang 40 dayuhang teroristang mga jihadist ang kasama ng Maute terror group ang umano ay nakikipagbakbakan sa tropa ng militar sa Marawi City.

Ang nasabing mga dayuhang jihadists ay mga kasapi ng ISIS (Islamic State of Iraq and Syria)  na kinabibilangan ng mga Indonesian, Malaysian, Pakistani, Indian, Moroccan  at isang may Turkish passport.

Una nang isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsanib pu­wersa na ang Maute –ISIS terror group sa Marawi  City. Sinasabing ang magtatayo ng ISIS hub sa Pilipinas partikular na sa lungsod o maging sa iba pang bahagi ng Lanao del Sur.

Nang matanong naman si AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla sinabi nito na kasalukuyan pa nila itong kinukumpirma.

Una nang ibinulgar ng AFP  na anim sa mga napaslang mula sa te­roristang grupo ay mga dayuhang Malaysian at Indonesian na kaalyado ng Maute terror group.

Inamin ni Padilla na hindi naman itinatanggi ng AFP na may mga dayuhang terorista sa lugar pero hindi pa nila mabatid sa kasalukuyan ang eksaktong bilang ng mga ito.

Kaugnay nito, inamin ni Padilla na lumilitaw sa imbestigasyon ng AFP na planado ang pag-atake ng mga te­rorista sa lungsod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with