^

Police Metro

Canadian natagpuang patay sa condo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinihinalang inatake sa puso ang isang 60 anyos na Canadian na natagpuang naagnas na ang katawan sa loob ng kaniyang unit sa isang condominium sa Malate, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang dayuhang si David Scott Philip, okupante ng Room 2702,  Birch Tower na matatagpuan sa no. 1622 J. Bocobo St., Malate, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8 kamakalawa ang gabi nang madiskubreng wala ng buhay ang biktima sa loob ng kaniyang silid.

Wala umanong indikasyon na ito ay pinaslang dahil nakasarado pa ang pintuan nito na ginamitan ng master key para pasukin. Ang biktima ay may 3 taon nang nangungupahan sa nasabing condominium. Patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with