Palasyo nanawagan ng dasal vs terorismo
MANILA, Philippines - Bilang pakikiisa sa pagsisimula ng Ramadan, nanawagan ang palasyo ng Malacañang sa netizens na makiisa sa pagdarasal para mahinto na ang terorismo at kaguluhan sa lungsod ng Marawi.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na nakikiisa ang Palasyo sa mga Filipino Muslim sa paggunita ng mga ito ng isang buwang Ramadan.
“We stand with Muslim Filipinos in their reverent observance of the holy month of Ramadan,” ani Abella.
Ayon pa kay Abella, ginagamit lamang ng mga terorista ang pagsusulong sa Islam para masakop ang bansa ng brutal na Ismalic State.
“Together we pray for an end to terrorism that falsely claims to advance Islam and seeks to subjugate our land to the brutal IS,” ani Abella.
- Latest