^

Police Metro

9 sibilyang tinodas ng Maute terrorist, natagpuan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Siyam na sibilyang brutal na pinaslang matapos na igapos ang mga kamay at ratratin ng mga miyembro ng Maute terror group sa kasagsagan ng engkuwentro sa Marawi City noong Martes ang natagpuang nagsisimula ng maagnas ang mga bangkay kahapon ng umaga.

Sa report na nakarating sa Army’s 1st Infantry Division (ID) ang natagpuang mga pinaslang na sibilyan ay pawang nakagapos ang mga kamay at tadtad ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Gayunman, hindi pa isinapubliko ang pagkakakilanlan sa mga biktima  na driver at mga pahintante ng truck dahilan mainit pa ang bakbakan sa lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang mga biktima ay lulan ng truck na naharang sa checkpoint ng mga armadong terorista  na pinababa sa behikulo, iginapos ang mga kamay saka niratrat.

Samantalang pinaniniwalaan namang nagtangkang tumakas ang isa sa mga ito dahilan may ilang metro ang distansya nito mula sa kinatagpuan sa bangkay ng walo sa kaniyang mga kasamahan pero nahabol rin at tuluyang pinaslang ng Maute terrorist na kumubkob sa lungsod. Nabatid pa na bukod sa dalawang sibilyan ay nakabulagta rin sa lugar ang bangkay ng dalawang terorista na napaslang sa kainitan ng sagupaan ng tropa ng militar at ng Maute terror group.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with