^

Police Metro

7 ninja cops sumurender

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sumuko na ang pitong wanted na Ninja cops na sangkot sa kidnapping /extortion sa isang negos­yanteng babae matapos ang mga itong sumulpot sa himpilan ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame nitong Biyernes ng gabi at kahapon ng umaga.

Ito’y ilang araw matapos na magpalabas ng ultimatum si Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin ‘dead or alive’ ang mga Ninja cops na nilagyan pa nito ng tig P 2 M patong sa ulo bawat isa.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration P/Deputy Director General Ramon Apolinario, unang sumuko bandang alas-7 ng gabi nitong Biyernes sina PO3 Michael Angelo Solomon, PO3 Luis Hizon Jr., PO2 Michael Huerto, PO1 Jovito Roque at PO1 Ricky Lamsen; pawang miyembro ng Malabon City Police Drug Enforcement Unit.

Ang mga ito ay sinamahan ng kanilang mga kamag-anak sa pagsuko sa mga opisyal ng PNP sa Camp Crame at u­nang iprinisinta sa media ni Apolinario bandang alas- 9 ng gabi. Ang Ninja cops ay  bansag ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa sa mga pulis na nagre-recycle ng mga nasasamsam na droga na ibinebenta sa kanilang mga parukyano sa illegal drug trade.

 Sinabi ni Apolinario na ang mga nagsisukong Ninja cops ay nagsipagtago sa Palawan matapos na lumutang ang pangalan hinggil sa mga balita sa kanilang pagkakasangkot sa illegal na aktibidades. Inihayag ni Apolinario na ang ama ng isa sa mga pasaway na pulis ang nakipagkoordinasyon sa PNP para sa kanilang pagsuko.

Nitong Sabado ng umaga, sumunod namang iprinisinta ni Apolinario sa mediamen ang dalawa pang sumukong Ninja cops na sina SPO2 Gerry dela Torre at PO3 Bernardino Pacoma. Ang mga Ninja cops ay inakusahan ng negosyanteng si Norma Adrales na dinukot umano ng mga ito noong Mayo 20 sa Quezon City na hiningan ng P 5 M bukod pa sa pagtawag ng mga ito sa kaniyang boyfriend na inmate sa National Bilibid Prisons na hiningan naman ng P 2 M at 1 kilo ng shabu.

?Magugunita na nitong Lunes ay apat sa kanilang mga kasamahan na sina SPO2 Ricky Pelicano, PO2 Wilson Sanchez, PO1 Joselito Ereneo at PO1 Frances Camua ang nasakote ng mga operatiba ng PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF). Ang mga ito ay nahaharap sa kasong robbery-extortion, kidnapping, carnapping at paglabag sa Section 29  o ang pagtatanim ng ebidensya sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with