^

Police Metro

Magtiyo, pisak sa trailer truck

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines -   Pisak ang magtiyuhin  matapos na madaganan ng isang tumagilid na 20-wheeler trailer truck na may lamang mga scrap metals sa Antipolo City, sa Rizal, kahapon ng madaling araw. Limang oras matapos ang aksidente ay saka lamang naialis sa pagkakadagan ang mga bangkay ng mga biktimang sina Bobby Paminar, 36, at kanyang pamangkin na si Carl Christopher Paminar, 17, kapwa residente ng naturang lugar, sa ilalim ng mga scrap metals na dumagan sa kanila dahil hindi umano nalaman kaagad ng mga rescuers na may mga tao palang nadamay sa aksidente.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang aksidenteng tumagilid ang naturang truck, na minamaneho ng isang nakilala lang sa pangalang Jay Almeda, habang bumibiyahe ito sa Ortigas Avenue Extension sa Antipolo City. Nagkataon namang bumibiyahe rin ang mga biktima, na sakay ng isang motorsiklo sa tabi ng truck, nang maganap ang aksidente, kaya’t minalas na madaganan sila nito. Hindi naman umano kaagad nabatid ng mga rescuers na may mga taong nadaganan pala ang truck dahil sa dami ng scrap metals na nahulog mula sa trailer truck kaya’t hindi kaagad nakuha ang mga biktima.

Dakong alas-6:00 ng umaga nang simulan ang clearing operations at pagsapit ng alas-7:00 lamang ng umaga nang marekober ang bangkay ng mga biktima, na napisak dahil sa bigat ng mga scrap metals na bumagsak sa kanila.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa batid ang kinaroroonan ng driver ng trak na tumakas matapos ang aksidente.   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with