^

Police Metro

Mga kritiko ng Martial Law sa Mindanao pinayuhang dumulog sa SC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -  ‘Makabubuting dumulog na lamang sila sa Korte Suprema at doon kuwestiyunin ang legalidad sa pagdedeklara ni Pangulong Digong ng martial law sa Mindanao.’

Ito ang naging payo ni  Justice Secretary Vitaliano Aguirre II  sa mga kritiko sa deklarasyon  ng martial law sa Mindanao.

Umani ng sari-sating reaksyon  ang  pagdedeklara ni  Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law kung saan  sinabi ng constitutionalist  na si Christian Monsod  ang nagaganap na labanan sa pagitan ng  militar  at Maute group sa  Marawi City ay hindi maituturing na rebellion kaya’t,  walang dahilan upang  magdeklara ng  martial law.

Ayon kay Aguirre, may hawak na report ang  Pangulong Duterte na maaaring hindi alam ng mga ordinaryong tao kaya’t   nagpasya itong magdeklara ng martial law.

“The President is entitled to be presumed to be regularly performing the duties of his office,”  ani Aguirre.

Samantala, binigyan-diin naman ng Philippine Muslim Society,  na hindi solution ang martial law sa halip ay maghihikayat pa sa mga kabataan na sumali sa terrorist groups.

Sa ilalim ng 1987 Constitution,  maaaring  magdeklara ng martial law ang Pangulo sa anumang panig ng  bansa sa loob ng  60 araw.   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with