^

Police Metro

Sundalo patay sa ambush ng Sayyaf: 10 pa sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -   Isang sundalo ang nasawi habang sampu pa ang nasugatan makaraang tambangan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang tropa ng pamahalaan sa isang liblib na lugar sa bayan ng Patikul, Sulu nitong Huwebes.

Ayon kay Captain Jo-Ann Petinglay, Spokesperson ng AFP Western Mindanao Command, naganap ang pananambang sa mga biktma sa Brgy. Tado Bagua, Patikul, Sulu bandang alas-5:20 ng umaga.

Sinabi ni Petinglay na bago ang bakbakan ay nakatanggap ng report ang tropa ng militar na namataan sa lugar ang mga bandido na may mga tangay na hostages.

Agad naman  nagresponde ang minobilisang  tropa ng Army’s 10th Infantry Battalion (IB) sa lugar at habang lumalapit ang mga sundalo  na lulan ng military vehicle sa lugar ay agad ang mga itong sinalubong  ng pagpapaulan ng putok ng mga bandido.

Nagkaroon ng mainitang palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig kung saan minalas na masapul ng tama ng pung­lo ang nasawing sundalo.  Pansamantala namang tumanggi ang opisyal na tukuyin ang pagkakakilanlan ng napatay na sundalo dahilan kailangan pang impormahan ang pamilya nito.

Ang palitan ng putok ay tumagal ng mula 15 hanggang 20 minuto  kung saan mabilis na nagsitakas ang mga bandido na naghiwahiwalay ng direksyon sa kagubatan.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with