^

Police Metro

Martial law ni Digong iba sa panahon ni Marcos

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Hindi matutulad sa implementasyon ng batas militar na nasangkot sa kaliwa’t kanang paglabag sa karapatang pantao na umiral noong panahon ng rehimen ng yumaong si dating Pangulong Ferdinand Marcos ang ipinatutupad na martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang tiniyak kahapon ng Department of National Defense (DND) na iginiit  na iiral ang batas at paggalang sa human rights sa implementasyon ng Martial Law sa rehiyon ng Mindanao.

“It will effectively safeguard basic human rights , yan yung guiding principles it will always follow rule of law and human rights”, ayon kay Defense Spokesman Arsenio Andolong.

Ayon kay  Andolong, hindi dapat pagkumparahin ang martial law ng nakalipas na rehimeng Marcos sa idineklarang kahalintulad na hakbangin ni Pangulong Duterte dahilan kaisa rito ang AFP, PNP at maging ang sibilyang pamahalaan.

Kahapon, inatasan na rin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang lahat ng mga sangay ng departamento partikular na ang AFP na pairalin ang batas at paggalang sa karapatang pantao kung saan ay hindi ang mga ito dapat masangkot sa mga pang-aabuso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with