^

Police Metro

120 hostage ng Maute nasagip

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasagip ng tropa ng militar ang umaabot sa 120 sibilyan na hinostage ng mga armadong ‘Maute terrorist group’ na lumusob at umokopa sa mga gusali sa lungsod ng Marawi umpisa pa noong Martes ng hapon.

Kasabay nito, umaabot na rin sa 13 miyembro ng teroristang grupo ang napaslang sa patuloy na bakbakan sa lugar at marami pa sa mga ito ang nasugatan, ayon kay Lt. Col. Jo-Ar Herrera, Spokesman ng Philippine Army’s 1st Infantry Division (ID).

Kinumpirma rin nito na limang sundalo naman ang nasawi sa panig ng pamahalaan.

Sa panig ng PNP, sinabi naman ni Chief Supt. Dionardo Carlos na kabilang sa mga nasawi ay sina Sr. Inspector Freddie Solar, isang tinukoy nito sa pangalang Sr. Inspector Placido, isa ang napugutan ng ulo na una nang isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte habang dalawa pa ang nasugatan. Bagaman may napaulat pang nadagdag sa mga nasawi, ayon sa opisyal ay patuloy pa itong beneberipika.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa opisyal ay puspusan ang pagtugis ng tropa ng Joint Task Force ZAMPELAN sa ilalim ng superbisyon ni Brig. Gen. Rolando Joselito Bautista upang lipulin ang nalalabi pang Maute terror group na naghasik ng karahasan sa lungsod.

Nabawi na rin ng tropa ng pamahalaan dakong alas-3 ng hapon ang kinubkob na Amai Pakpak Hospital. Kabilang sa mga nasagip na hostages ay 78 sibilyan, walo dito ay mga pasyente, 49 construction workers at 21 mga staff ng hospital.

Ayon sa opisyal sa pag-atake sa hospital ay pinaslang ng Maute terror group ang isang opisyal ng PNP–Drug Enforcement Group at isang security guard ng hospital.

Nabawi rin ng mga sundalo ang Dansalan College kung saan sa pag-atake dito ng Maute terrorists ay sinunog ang isa sa mga gusali dito habang nasa 42 namang guro na dumadalo ng seminar ang nailigtas matapos na ma-trap dito.

Inihayag pa ni Herrera na nakarekober rin ang tropang gobyerno ng mga Improvised Explosive Device mula sa isang safehouse na inokupa ng teroristang grupo.

Sinasabing kasama ng nasa 50 Maute terrorists na umabot pa ng mahigit 100 armadong miyembro ang lider ng Abu Sayyaf Group na si Radulan Sahiron na pakay ng opensiba ng tropa ng mga sundalo.

Nagbunsod din ang insidente sa paglikas ng libong mga sibilyan na nagsitakas sa takot na maipit sa bakbakan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with