Martial Law huwag katakutan, napapanahon-AFP, DND
MANILA, Philippines - Huwag matakot sa Martial Law! Ito ang mariing tinuran kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of National Defense (DND) matapos na isailalim na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Martial Law ang buong rehiyon ng Mindanao matapos ang bayolenteng pag-atake ng Maute terror group sa Marawi City nitong Martes.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana napapanahon ang pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao upang mapigil na lumaganap pa ang paghahasik ng terorismo ng teroristang grupo.
“The imposition of martial Law in Mindanao is a necessary step in order for government security forces to stop the threat that these terrorists pose”, ayon sa opisyal. Binigyang diin ni Lorenzana na sa buong Mindanao dapat ideklara ang Martial Law dahil dito namumugad ang mga terorista na bukod sa Lanao del Sur at Lanao del Norte ay may operasyondin ang mga ito sa Central Mindanao, Sulu, Basilan, Tawi-Tawi at iba pa.
- Latest