^

Police Metro

Bank teller nagnakaw ng P600K sa kanyang bangko

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nabuking ang ginagawang pagnanakaw ng isang lalaking  bank teller sa bangko na kanyang pinapasukan na kung saan ay idineposito  nito ang mahigit P600,000 sa kanyang sariling bank account kamakalawa ng hapon sa Robinson’s Bank Corporations sa Robinson’s Place-Dasmariñas City, Cavite.

Nagkulong sa banyo ng mall at nagtangka pang magpakamatay sa kahihiyan ang suspek na si Arjo Kim Bauno, 26, bank teller ng nasabing bangko at residente ng Blk.13, Lot 36, Canary St., South East, Brgy.San Agustin, Dasmariñas City, Cavite. Nahaharap ito sa kasong alarm and scandal at  qualified theft.

Batay sa ulat ng pu­lisya, alas-4:30 ng hapon nang ­arestuhin ang suspek sa loob ng banyo ng nasabing mall  matapos na tangkaing saksakin ang sarili matapos ma­diskubre ng management ng bangko ang ginawa nitong pagnanakaw na umabot sa halagang  P653,700.00.

Nabatid na unang kinuha ng suspek ang halagang P289,200.00 at isinunod agad nito ang halagang P364,500.00 at idineposit ito sa kanyang account nitong Mayo 19 taong kasalukuyan.

Nadiskubre ito ng bank management kinabukasan at kinompronta ito ng ma­nagement na kung saan ay nag-panic ang suspek at nagtungo sa comfort room at dito nagtangkang magpakamatay gamit ang kutsilyo na agad naagapan ng pamunuan dito at inaresto ang suspek.   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with