^

Police Metro

Local officer ng DENR tinodas ng tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang opisyal ng Community Environment and Natural Resources (CENRO) ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa nakilalang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo sa harapan ng Aglipayan Church sa Brgy. Poblacion, Narra, Palawan kamakalawa  ng hapon.

Kinilala ang nasawing suspect na si Fernando Padilla Alejo, Officer-in-Charge ng CENRO sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Batay sa ulat, bago naganap ang pamamaril sa biktima dakong alas-4:55 ng hapon sa nasabing lugar ay kasalukuyang pauwi sa kanilang ta­hanan sa Brgy. Antipuluan, Narra, Palawan lulan ng motorsiklo patungong CENRO Office nang pagbabarilin ng riding in tandem na biglang sumulpot sa lugar.

Ang biktima ay napuruhan ng mga tama ng bala sa ulo na idineklarang dead-on-arrival sa  Narra Hospital.

Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol, isang unit ng Honda motorcycle at backpack na naglalaman ng mga personal na kagamitan. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with