^

Police Metro

12-anyos at 22-anyos nag-suicide

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Kapwa nagpakamatay ang isang 12-anyos na batang lalaki at isang 22-anyos na Romanian national sa magkahiwalay na pangyayari ayon sa pulisya.

Ang unang insidente ay naganap dakong alas-12:45 ng tanghali nang matagpuang nakabigti ang 12-anyos na si Joffer Dionisio Eleseo sa loob ng kanilang bahay na matatagpuan sa Brgy. 8-A, Lower Madapo, Bangkerohan, Kidapawan City.

Ayon sa ina ng biktima na si Deonila Magbugtong Eleseo na posibleng hindi na makayanan ng kanyang anak ang kanyang sakit na ayaw na nitong banggitin kaya’t nagawa nitong magbigti.

Lumalabas din na una nang nagtangka ang biktima na magpakamatay, subalit ito ay naagapan.

Ang ikalawang insidente ng pagpapakamatay ay nang tumalon sa 2nd falls sa Lake Sebu,South Cotabato,  na may taas na 600 feet ang Romanian national na si Paul Petricia Bratu,22

Sinabi ni PDRRMO action officer Mila Lorca na sinubukan pang makipag negosasyon ng mga rescuers ngunit agad na tumalon ang biktima at bumagsak sa falls number 7.

Lumalabas rin na hindi ito ang unang beses na nagpakamatay ang biktima nang sinugatan nito ang kanyang dibdib sa bahay na kanyang tinutuluyan ngunit agad na naagapan ito. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with