^

Police Metro

‘Joel Villanueva’, 1 pa dedo sa drug bust

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang drug suspect na ang isa ay kapangalan ni Sen. Joel Villanueva nang makipagbarilan sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan City kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga napaslang na sina Joel Villanueva, alyas “Itok”, nasa hustong gulang, at dating tanod sa Barangay 18, ng naturang lungsod; at Michael Veras, alyas “Mike”, ng Brgy. 168 Deparo, ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang magkasa ng buy-bust operation ang Drug Enforcement Unit sa naturang barangay at target na madakip si Villanueva. 

Habang nakikipagtransaksyon, nakahalata si Villanueva na pulis ang kaharap kaya biglang bumunot ng baril at pinaputukan umano ang mga otoridad na masuwerteng walang tinamaan.

Gumanti ng putok ang mga nakapaligid na mga pulis na nagresulta sa pagkakapaslang kay Villanueva.

Nakumpiska sa poses­yon ng suspek ang isang kalibre .45 baril, isang napaputok na cartridge, at pitong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Ang ikalawang insidente ay naganap dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi nang mapaslang ng mga pulis si Veras sa isa ring buy-bust operation sa tapat ng kanyang bahay matapos na makipagbarilan rin umano sa mga pulis. Nakatakas naman ang kasamahan niya na isang alyas “Daez”.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with