^

Police Metro

Piskal itinumba sa harap ng bahay

Danilo Garcia - Pang-masa
Piskal itinumba sa harap ng bahay

Inimbestigahan ng SOCO ang bangkay ni Fiscal Diosdado Azarcon matapos na ito ay pagbabarilin ng tatlong lalaki na lulan ng motorsiklo sa tapat ng kanyang bahay sa Capas St., Brgy 63 9th Ave. Caloocan kahapon ng madaling araw.  Michael Varcas

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang piskal nang ito ay pagbabarilin ng isang lalaki sa harap ng kanyang bahay kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nasawi noon din si Assistant Prosecutor Diosdado Azarcon, 57, ng Caloocan City Prosecutor’s Office, at naninirahan sa No. 210-B Galauran Street, Brgy. 63 West Grace Park, ng lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Caloocan City Prosecutor’s Office, bago naganap ang krimen dakong alas-7:45 ng umaga sa harap ng bahay ng biktima ay papa­sakay sa kanyang Toyota Avanza nang lapitan ng gunman at pagbabarilin nang malapitan sa ulo saka mabilis na tumakas sa direksyon ng 10th Avenue.

Tatlong blangkong bala ng kalibre .45 baril at isang deformed na bala ang narekober sa lugar at inaalam rin ng pulisya kung may kuha ng closed circuit television camera (CCTV) sa lugar ng krimen para sa pagkaka­kilanlan ng gunman.

Inaalam ng pulisya ang mga kasong hina­wakan ng biktima kung may kinalaman sa pamamaslang sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with