^

Police Metro

Pulis niratrat,todas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang pulis na inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) noong 2014 sa kasong kidnapping ang pinagbabaril at napatay sa naganap na ambush kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din sa loob ng kanyang kotse ang biktimang si PO2 Fre­derick Tolentino, 43, residente ng no. 202A BLC II, Rawis Compound, Tondo, Maynila, dating naka-assign sa MPD bago nailipat sa Regional Personnel Holding Account Unit (RPHAU). Nagtamo ito ng tama ng bala sa leeg at likod ng tenga.

Batay sa imbestigasyon, bago naganap ang pamamaril sa biktima dakong alas-12:20 ng madaling araw sa Quezon St, sakop ng Barangay 116, Zone 9, Tondo ay minamaneho nito ang kanyang kulay silver na Toyota Corolla Altis (XHS-721) at tinatahak ang nasabing kalye na kung saan ay binubuntutan ng dalawang motorsiklo na sakay ang tatlong suspek at nang makalapit ay doon na ito binakbakan.

Nang masigurong patay na ang biktima ay tumakas ang mga suspek at sa pagresponde sa crime scene ng mga pulis ay dinatnan ang biktima na walang buhay na  nakayuko sa driver’s seat.

Batay sa record na noong Hunyo 2014, ay ­inaresto ng NBI ang biktima dahil sa pagkakasangkot sa kidnapping ng Korean businessman na si Hyun Koo-yeo noong Abril 2014.

Nalaman na sangkot ang biktima sa kidnapping nang makakuha ang mga otoridad ng ebidendsiya na ang sasakyan nito ay sangkot at natunton na nakaparada sa labas ng kanyang bahay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with