Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

DU30 makikipagpulong kay Putin

MANILA, Philippines - Sa susunod na linggo ay nakatakdang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia kung saan ay makakapulong niya sina Russian President Vladimir Putin at Prime Minister Dmitry Medveded.

Ang pakay ng official visit ni Pangulong Duterte sa Russia ay upang lalong palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa.

Inimbitahan si Duterte ni Putin na bumisita sa Russia nang magkita sila sa APEC 2016 sa Lima, Peru.

Sinabi ni Foreign Affairs Asec. Cleofe Natividad sa media briefing sa Malacañang, ang official visit ni Duterte at kanyang delegasyon sa Russia ay mula Mayo 23-26.

Aniya, ang tema ng pagbisita ni Pangulong Duterte sa Russia ay “Building a stronger partnership: A new chapter in PH-Russia relations”.

Idinagdag pa ng DFA official, magkakaroon ng bilateral talks sina Pres. Putin at Duterte para lalong palakasin ang relasyon ng dalawang bansa sa Moscow.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nakatakdang saksihan din nina Duterte at Putin ang mga lalagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Russia sa larangan ng defense cooperation, mutual legal assistance at extradition.

Winika pa ni Natividad, ang kasunduan sa military technical cooperation sa pagitan ng Russia at Pilipinas ay posibleng maging daan upang bumili ng armas ang PH sa Russia.

Nakatakdang magtungo din si Duterte sa St. Petersburg upang bisitahin ang military shipyard at dumalo sa business forum para imbitahan ang mga Russian investors na magnegosyo sa Pilipinas.

Magkakaroon din ng pakikipagkita si Pangulong Duterte sa Filipino community sa Moscow sa May 25.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: