Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

AWOL na pulis nahulihan ng mga baril at droga

MANILA, Philippines - Timbog ang isang AWOL (absent without leave) na pulis sa isinagawang operasyon ng Manila Police District  (MPD) Station 11 matapos makumpiskahan ng iligal na droga at mga hindi lisensyadong mga baril sa Parola Compound, Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Supt. Amante Daro, hepe ng MPD- Station 11, ang suspek na si PO1 Cornelio Juanitas  Jr. alyas “Intoy”, 34-anyos, dating nakatalaga sa Regional Personnel and Holding Account Unit (RPHAU) sa Camp Bagong Diwa, National Capital Region Police Office (NCRPO), sa Taguig City, at residente ng  no. 167 Area C, Gate 54, Parola Compound, Tondo.

Batay sa ulat, pasado alas-5:15 ng hapon ay nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang Manila Police District Station 11 na may armadong lalaki sa Parola Compound kaya’t agad na rumesponde ang kapulisan sa lugar.

“Noong ma-sense niya na ‘yung mga papalapit ay mga kapulisan, pumasok siya sa loob ng kanyang bahay. Naiwan niyang nakabukas kaya na-corner natin siya,” ani Daro.

Narekober mula sa suspek ang dalawang kalibre .45, isang kalibre .38, isang silencer, samu’t saring bala, at gato na ginagamit sa paggawa ng mga improvised na baril.

Isasailalim sa pagsusuri ang mga nakumpiskang baril para malaman kung nagamit ang mga ito sa mga iligal na aktibidad.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: