Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Drug raid: 5 todas, 21 timbog

MANILA, Philippines - Patay ang limang pinaghihinalaang notoryus na drug pushers habang 21 pa ang nasakote matapos na mauwi sa shootout ang isang anti-drug operations ng mga pulisya sa raid sa ilang barangay sa Davao City  kahapon ng umaga.

Batay sa ulat ni Davao City Police Chief P/Sr. Supt. Alexander Tagum nagsimula ang drug raid bandang alas-5:00 ng umaga sa bisa ng mga warrant of arrest na inisyu ng korte matapos ang masusing surveillance operations sa bahay dito na nagtutulak ng droga.

Nang papalapit na ang mga pulis ay agad umano silang pinaputukan ng suspek kung kaya’t gumanti ng putok ang mga una at napatay ang lima at naaresto ang 21 iba pa.

Nakumpiska sa raid ang 81 gramo ng pinaghihinalaang shabu, anim na handguns at dalawang eksplosibo.

Magugunita na una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulisya ng Davao City na linisin sa lahat ng uri ng droga ang kanilang lungsod.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: