Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

5 Koreano inaresto sa illegal online gambling

Timbog sa mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang Korean nationals na sangkot sa illegal online gambling sa isinagawang operasyon sa Pasig City kahapon. Edd Gumban

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang Korean national na iligal ang operasyon ng online sports betting sa pagsalakay sa isang subdivision sa Pasig City.

Sinabi ni NBI director Dante Gierran, nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 ang mga nadakip na sina Cheonji Kim, Ilhwan Yang, Wonsup Yang, Jeong Hyeok Kim at Moon Kyu Kang.

Sa pamamagitan umano ng modus na magtago ng kanilang aktibidad sa mga exclusive division para hindi mabisto ng  otoridad at ang kinikita ay pasok naman sa money laundering kung saan nalulugi ng milyones ang kaban ng gobyerno.

Nabatid na nakipagtulungan sa NBI ang Eastern Police District para mapasok ang target area.

Samantala, 12 rin na Korean nationals ang binitbit naman ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na pawang sangkot umano sa online business scam o panloloko.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Mo­rente, mismong ang South Korea Embassy ang humi­ngi ng tulong sa kanila para sa ikadarakip ng 12 suspek na may tinakasang kasong large scale fraud sa kanilang bansa.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nitong Miyerkules, Mayo 17, nang madakip ng BI-Intelligence ope­ratives sa isang condomi­nium building sa Makati City ang di pinangalanang mga suspek.

Nabatid na mga kaba­bayang Koreano ang binibiktima ng grupo sa panghihimok na mag-invest sa mga bogus na real estate project sa Pilipinas.

Isinalang na sa deportation proceedings ang mga dayuhan dahil sa pagiging undesirable alien at pagiging banta sa seguridad ng publiko. 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: