^

Police Metro

Brgy. Tserman itinumba

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Isang barangay chairman ang pinagbabaril habang naglalakad papunta sa kanyang sasakyan ng mga hindi pa kilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Dasmariñas City, Cavite.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala at katawan at ulo ay nakilalang si Brgy. Burol Man Chairman Totie Lara.

Batay sa ulat, bago naganap ang pagpatay sa biktima dakong alas-10:00 ng gabi ay naglalakad ito pabalik ng kanyang sasakyan galing sa paglalaro  ng basketball sa may Summerwind ng nasabing barangay nang lapitan at pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga suspek.

Patuloy ang pangangalap ng ebidensiya ng pulisya at inaalam kung may CCTV sa lugar para makilala ang suspek.

Samantala, agad namang nagpalabas ng P500,000 pabuya si Dasmariñas City Mayor Pidi Barzaga sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa killer ng chairman.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with