^

Pang Movies

Heart minana ang role ni Angel

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Konting pasilip lang ang ginagawa ni Heart Evangelista sa natapos na dream house nila ng kanyang mister na si Senator Chiz Escudero.

Nagpo-post ng ilang photos si Heart sa kanyang Instagram account. Hindi nga siya pumapayag na may mag-shoot sa tahanan nila ng kanyang mister dahil iniingatan nila ang privacy at security ng kambal nilang sina Chesi at Quino.

Ang naturang kambal ay anak ng senador sa una nitong asawa na si Christine Flores.

“I’ve decided well hindi naman ako lang ang nakatira sa bahay, so there are other things to consider that I have two kids now that live with me, so in a way I feel like I have to respect also their privacy and there personal life. So, hindi ko siguro siya ipi-feature,” diin pa ni Heart.

Kasama si Heart sa big cast ng bagong telefantasya ng GMA-7 na Mulawin vs. Ravena kung saan gagampanan niya ang papel na Alwina na originally ay ginawa ni Angel Locsin noong 2004.

“Challenging siya pero nae-enjoy mo siya and you know I’m married and you know I’m in the certain stage of my career and for them to give me Mulawin and to be part of it is ‘di ko inexpect,” pagtatapos pa ni Heart.

Alden nag-voice lesson para sa concert!

Puspusan ang voice lessons ni Pambansang Bae Alden Richards dahil sa mga concert na gagawin niya ngayong April at May.

Mauna ang dalawang shows nila ni Maine Mendoza with Jose Manalo, Wally Bayola and Paolo Ballesteros na KS Sa US (Kalyeserye Sa US) ngayong April sa Los Angeles, California at New York.

Pangalawa ay ang solo concert ni Alden sa May titled Upsurge sa KIA Theatre sa Araneta Center, Quezon City.

Sold out na pareho ang mga shows kaya ayaw mapahiya ni Alden kapag nag-perform siya sa harap ng maraming fans nila ni Maine.

 “Major concerts ito kaya I will not let them down.

“Puro mga magagandang songs ang mapapakinggan nila mostly galing sa dalawang albums ko under GMA Records.

“Yung iba naman ay mga naging signature songs namin ni Maine sa Kalyerserye,” ngiti pa ni Alden.

Nag-advance tapings na raw sina Alden at Maine para sa teleserye nilang Destined To Be Yours.

Paghandaan daw ng mga fans ang twist sa kanilang teleserye na tiyak na ikagugulat ng marami.

Pia parang 30 lang ang pakiramdam

Nagkaroon ng relaunch ang entertainment and lifestyle channel na Co­lours at ang kanilang mga bagong programs ay “geared towards driving its targeted female audience to becoming better, more beautiful and bolder versions of themselves.”

Kabilang sa mga bagong show ay ang 40 Is The New 30 na ang host ay si Pia Guanio-Mago.

Isa itong 30-minute show na magpi-feature sa mga 40-something women na hindi nagpapasakop sa kanilang edad at nagkakaroon ng self-discovery sa kanilang sarili. Perfect host si Pia dahil sa edad na 43, aktibo pa rin ito sa TV at pregnant pa sa second baby nila ng husband niyang si Steve Mago.

Ang isa pang show ay titled MomBiz na ihu-host nila Danica Sotto-Pingris at LJ Moreno-Alapag.

Kapwa kasal sina Danica at LJ sa mga basketball players na sina Marc Pingris at Jimmy Alapag. Pero hindi sila umaasa sa kinikita ng kanilang mister at nagkaroon sila ng sariling mga negosyo. Kung tawagin nga sila ay “Momentreprenuers”.

Ipi-feature nila sa show ang ibang mommies na nag-venture sa iba’t ibang negosyo para maging productive and at the same time, isang maingat at maayos na homemaker.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with