^

Pang Movies

Cristine nakahanap ng bagong kabuhayan

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Cristine nakahanap ng bagong kabuhayan
Cristine Reyes

May ibang pinagkakaabalahan pala si Cristine Reyes maliban sa kanyang acting career.

Meron daw siyang online business na One Super Shop, mga kasuotan daw ang laman nito na mostly patterned sa mga isinusuot niyang damit.

Malakas daw itong kumita to the point na ina­alalayan na s­iya ng kanyang Iranian-Filipino husband na si Ali Khatibi, na expert sa martial arts na jiu-jitsu.

Dalawang taon na ang anak nina Cristine at Ali na si Amarah na pareho nilang kamukha.

May nakatakdang gawing isang game show si Cristine, kasama sina Pokwang at Arci Muñoz, among others.

Nanay ni Alden lagi raw nagpaparamdam

Destined nga raw siguro siya para maging isang actor, ayon kay Alden Richards, kahit wala raw ito noon sa kanyang bucket list.

Ang alam daw niyang matindi ang paniniwalang sisikat siya, kung papasukin niya ang showbiz, ay ang kanyang ina. Na sayang nga raw na namayapa bago pa man mapanood siya sa TV at pelikula.

“But I know she’s guiding me,” ani Alden. “I feel her presence, tuwing humaharap ako sa kamera, mapa-TV o pelikula.

“O, kung napi-pressure ako sa kung anumang may kinalaman sa aking showbiz career.”

Ayon kay Alden, tiyak daw na magugustuhan ng kanyang ina na panoorin ang kanyang upcoming series na Destined to Be Yours, co-starring him with Maine Mendoza. Magagandahan daw sana ito sa concept ng series, na tungkol sa pamilya at finding someone na mahal mo at mamahalin ka.

Kasama rin sa Destined To Be Yours ang ilan sa mga dati nang hinahangaang artista ng kanyang ina, sina Boots Anson-Roa, Tommy Abuel, Gardo Versoza at Ja­nice de Belen. Tampok din si Lotlot de Leon at Ronnie Henares.

Directed by Irene Villamor, Destined To Be Yours will start airing February 27.

Enrique at Liza lalarga sa abroad para sa bagong serye

May nakatakda na kaagad na serye, Salve A., na gagawin sina Enrique Gil at Liza Soberano, na ang current movie na My Ex and Whys ay talagang tumatabo sa takilya.

Now on its seventh day of exhibition in 300 theaters nationwide, My Ex and Whys, directed by Cathy Garcia-Molina, has reportedly grossed, so far, more than P100 million.

Inanunsyo ito ni Ryan Bang sa It’s Showtime kung saan isa siya sa mga mainstay kasama sina Vice Ganda, Billy Crawford, Amy Perez, Vhong Navarro at Anne Curtis, among others.

Ryan is featured in My Ex and Whys bilang kaibigan nina Enrique at Liza na isang Koreano. Ang said film na produced by Star Cinema ay partly shot sa South Korea.

Of their upcoming teleserye, wala pang ideya sina Enrique at Liza kung ano ang magiging kuwento nito. Although wish nila na sana ay si Direk Cathy muli ang mamahala nito. Wish din nila na sa Las Vegas, U.S.A ang maging location nito.

Ang huling series na pinagbidahan ng LizQuen na Dolce Amore ay kinunan sa Italy and had Direk Cathy at the helm.

vuukle comment

CRISTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with