^

Police Metro

Kapag hindi tumigil sa ilegal scalawags patayin ninyo!- Bato

Joy Cantos - Pang-masa
Kapag hindi tumigil sa ilegal scalawags patayin ninyo!- Bato

Ang pitong tauhan ng Angeles City sa Pampanga na nadawit sa pagdukot sa mga Koreano na si Min Hoon Park, Lee Ki Hun at Lee Jun Hyung na hiningan nila ng pera. Umani ng mura mula kay Bato ang mga pulis na kanya pang pinag-push ups matapos magtungo ang PNP chief sa Camp Tomas Pepito, Pampanga. Kuha ni Miguel De Guzman

MANILA, Philippines – Hinikayat kahapon ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa ang mga residente sa Autonomous Region in Muslim Minda­nao (ARMM) na isagawa ang ‘swift justice’ sa mga police scalawag na nalipat sa kanilang region sakaling patuloy pa rin sa paggawa ng mga ilegal na aktibidades.

Kung ang mga pulis na ito umano ay hindi tumigil sa kanilang corrupt practices, nanawagan si dela Rosa sa mga  residente ng ARMM na patayin na lang ang mga ito.

“Yan ang dahilan kung bakit ko sila dinala dyan para mamatay kapag hindi tumigil sa paggawa ng kalokohan”, dagdag ni Batyo

Sagot na din ito sa tanong ng ilang concern officials at mga mamamayan ng ARMM kung bakit nililipat sa kanilang rehiyon ang mga scalawags.

Sinabi pa ni dela Rosa na maaaring marami ang kumuwestyon sa  ganito nilang pag-aksyon, pero ito ang nakikitaniyang madaling paraan na dapat gawin para sa biglaang pagbabago sa buhay ng mga rogue policemen.

Aabot sa 3,000 pulis na umano’y natukoy na mga sca­lawags ang target ng crackdown o malawakang  internal cleansing ng Philippine National Police (PNP)  sa buong bansa.

Ito ang ibinulgar  dela Rosa kaugnay ng determinadong misyon na linisin muna sa mga scalawags ang kapulisan.

Sinabi  ni dela Rosa na sa kabuuang 165,000 tauhan ng PNP ay nasa 2% lamang ang mga scalawags sa kanilang hanay na siyang magiging target walisin ng binuong Counter Intelligence Task Force (CITF) na pamumunuan ni Sr. Supt. Jose Chiquito Malayo.

Sa panig naman ni Malayo, sinabi nitong wala silang sasantuhin sa giyera kontra scalawags  at gagamit sila ng tactical at intelligence  operatives para matukoy at mapanagot sa batas ang mga  scalawags sa kanilang hanay.

Kasabay nito, tiniyak ni Malayo na malilinis niya ang hanay ng PNP laban sa mga scalawags bago magretiro sa serbisyo si dela Rosa hanggang Enero 2018.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with