^

Police Metro

Babaeng may kapansanan, utas sa tandem

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang babaeng  may kapansanan na dati na umanong gumagamit ng illegal na droga ang  nasawi makaraang barilin sa ulo ng riding in tandem habang kumakain sa harapan ng isang mall sa Brgy. Harapin ang Bukas sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

Kaagad na nasawi ang biktimang nakilalang si Liwayway Yabut, 39, alyas ‘Pilay,’ at residente ng 208 Barangay Harapin ang Bukas.

Sa report  ni Mandaluyong City Police chief, Police Senior Supt. Joaquin Alva Jr.,  dakong alas-8:30 ng gabi ay kumakain lamang ang biktima, kasama ang asawang si Fernando, sa harapan ng Market Place sa General Kalentong Street, Barangay Harapin ang Bukas, nang biglang hintuan ng mga suspek at kaagad na binaril sa ulo, bago tumakas.

Ayon kay Alva, si Yabut ay kasama sa drug watch list ng kanilang barangay.

Inamin din naman ng asawa ni Yabut na si Fernando na dati silang gumagamit ng shabu ngunit sumuko na umano sila sa ‘Oplan Tokhang’ at naka-graduate na umano sila sa programa para sa mga surrenderee. Ang kasong ito ay iniimbestigahan na .

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with