^

Police Metro

3 tulak pinabulagta ng tandem

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatlong kalalakihan  na pinaghihinalaang sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang nasawi habang nasa malubha namang kalagayan ang isang babaeng isa ring drug pusher matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa magkakahiwalay na insidente sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Sa report ni Eastern Police District (EPD) Director Police Supt. Romulo Sapitula,  dakong alas-9:40 ng gabi kamakalawa nang unang mapatay sa Villa Tupaz Street, sa Barangay San Joaquin, Pasig City ang biktimang si Jhonace Ryan Dotaro, 32, at residente ng 22 Villa Tupaz Street, Barangay San Joaquin, Pasig City habang kumakain ng hapunan kasama ang kanyang live-in partner.

Apat na suspek ang bigla na lang umanong pumasok sa kanilang tahanan at  pinagbabaril ang biktima sa ulo at katawan ang biktima bago tumakas lulan ng dalawang motorsiklo.

Bandang alas-11:30 naman ng gabi nang patayin din ng riding- in-tandem ang biktimang si Gerard John Amandy, 26, residente ng 687 Avocado Street, Lupang Pari, Barangay San Miguel, Pasig City sa Bolante 1 corner Esquerra Street, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Samantalang pagsapit naman ng ala-1:50 ng madaling araw ay  sumunod namang napatay sa kaniyang tahanan sa Pasig City ang biktimang si Ismael ­Pa­ng­­coga, alyas ‘Oteng’, 46, watch repairman, at tubong Marawi City habang nagpapahinga sa loob ng kanyang tahanan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with