^

Police Metro

Programa ni Digong suportado ng LP

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa kabila ng hindi pagpabor sa ilang  umano’y kontrobersyal na polisiya ng pamahalaan, suportado ng Liberal Party ang mga programa ni Pangulong Rodrigo Duterte na makatutulong sa netizens ng bansa.

Ayon kay Senator Francis “Kiko” Pangilinan, Acting President ng LP, walang katotohanan ang ulat ng nagbabalak ang  mga dilawan o mga “yellows” na patalsikin sa puwesto ang Pangulo dahil suportado niya ang magagandang proyekto para sa taumbayan.  Ang yellow o dilaw ang political color ng LP.

 Nauna na ring itinanggi ni Senate President Pro-Tempore na may binabalak ang LP laban sa gobyerno.

 Nilinaw pa ni Pangilinan na halos iilan na lamang ang bilang ng LP dahil marami sa kanilang miyembro na nananalo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso noong nakaraang halalan ay nagpalit na ng partido at lumipat sa partido ng administrasyon.

 Samantalang naniniwala rin si Pangilinan na hindi solusyon sa problema ng bansa ang pagpapatalsik sa Pangulo.

Iginiit naman nito na hindi naman sinusuportahan ng kanilang partido ang balak ng administrasyon na buhayin ang death penalty.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with