^

Police Metro

Kelot ginulpi, binigti sa puno ng mag-ama

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binugbog muna bago binigti sa puno ng isang mag-ama ang kaaway nilang lalaki kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City.

Ang nasawi ay kinila­lang si William Bautista, binata, jobless, at naninirahan sa No. 104 Quezon Street, 6th Avenue, Brgy. 123 East Gracepark ng lungsod.

Nadakip ang isa sa mga suspek na nakila­lang si Artemio Aloro, Jr., 21, tricycle driver, ng No. 42 Nuestra Street, Brgy. 116 East Gracepark habang pinaghahanap pa ang ama nitong si Artemio Sr.

Sa inisyal na ulat ng Caloocan City Police, nakatayo sa may kanto ng B. Serrano Street at 6th Ave­nue ang biktima dakong alas-2:30 ng madaling araw nang pagtulungang gulpihin ng mag-amang Aloro at bigtihin ng lubid at isabit sa isang puno at saka tumakas.

Habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis, dumaan sa lugar ang suspek na si Artemio Jr. na naituro sa mga pulis ng isa sa mga saksi dahilan ng pagkakadakip sa kanya.

Ang mag-ama Aloro ay kinasuhan ng murder.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with