^

Police Metro

Leila inisnab ang PI ng DOJ

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi humarap si Senator Leila de Lima sa unang araw ng preliminary investigation ng Department of Justice sa apat na kasong isinampa sa kanya at sa halip ay pinapunta na lang nito ang kanyang staff para kumatawan.

Subalit, natapos na ang preliminary investigation nang dumating ang staff ni De Lima na si Romeo Siazon bitbit ang letter of authority mula kay De Lima kaya pinagbigyan pa rin ito ng pinuno ng panel of prosecutors na si Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong.

Binigyan ng hanggang Disyembre 21 ng pro­secution panel ang grupo ni De Lima na magsumite ng kontra salaysay.

Mahigpit ang bilin ni Ong na dapat ay personal na panumpaan ng mga respondent ang kani-kanilang mga kontra salaysay sa harap ng panel sa susunod na pagdinig.

Sa panig naman ng mga respondents na high-profile inmate ay iniatas na panumpain na lamang muna ang mga ito sa harap ng isang notary public sa loob ng bilangguan at saka na lamang hahanap ng pagkakataon ang mga piskal para personal na puntahan ang mga bilanggo sa kulu­ngan para sa reaffirmation ng kanilang affidavit.

Pumunta rin sa pagdinig  ang ilan sa mga complainant na kinabibilangan nina VACC Foundating Chairman Dante Jimenez, dating NBI Deputy Directors Ruel Lasala at Reynaldo Esmeralda.

Hindi naman duma­ting ang high-profile inmate na si Jaybee Sebastian at  wala ring pinadalang kinatawan kahit siya ay parehong complainant at respondent sa nasabing kaso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with