^

Police Metro

410 SAF troopers idineploy sa NBP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinangunahan kahapon ni PNP Chief P/Director General Ro­nald “Bato” dela Rosa  ang deployment ng 410 bagong Special Action Force (SAF) sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, kapalit ng 310 SAF na una nang pinagbantay sa piitan noong Hulyo 20, 2016.

Ang pagpapalit ng mga SAF troopers sa NBP ay upang maiwasan ang ‘unholy alliance’ sa mga nakapiit na drug lord at mga prison guards.

Ang SAF commandos ay itinalagang taga-bantay sa NBP upang sawatain ang illegal drug trade sa piitan gayundin ang pagpasok ng mga illegal na kontrabando.

Sinabi ni Dela Rosa na maaaring manatili ang SAF troopers  upang mangalaga sa seguridad at magbantay sa NBP hanggang kinakailangan ang mga ito.

Aminado naman si Dela Rosa na hindi sila sigurado kung 100% na ng mga kontrabando  partikular na ang cellular phone at illegal drugs  na naipuslit sa NBP compound ng mga high profile inmates ay naharang at nasamsam ng mga SAF commandos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with