^

Pang Movies

Kiana pinanindigan ang friendship nila ni Sam

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hindi “dating” ang sagot ni Kiana Valenciano sa kanyang interview tungkol sa kanila ni Sam Concepcion sa tuwing magkasama sila. Katuwiran ni Kiana ay friend niya si Sam simula noong mga bata pa sila.

Paliwanag pa ni Kiana na libre siyang gawin ang gusto niya sa buhay. Lahat daw ay puwede sa kanyang parents, huwag lang muna siyang mag-aasawa. Kaya enjoy lang si Kiana kasama si Sam na kapalagayan niya ng loob dahil nga matagal na silang friends. Kahit marami ang nagmamalisya dahil madalas silang magkasama, pinangatawanan niya ang pagsasabing wala silang pagkakamabutihan bilang magkarelasyon.

Samantala, long overdue na ang album ni Kiana na may title na Circles. Ang nasabing album ay labor of love nila ng kanyang Daddy Gary Valenciano na ngayong taon lang nai-release.

Ang single niyang Circles din ang title na may message na kahit pilit na sumusubok sa isang bagay pero walang nangyayari dahil paikot-ikot ang takbo ng sitwasyon ay relase ng First Independent Electro-R&B.

Aminado si Kiana na love niya ang singing at mag-perform pero hindi maiaalis na ayaw niya ang pressure sa showbiz lalo’t parehong public figure ang kanyang parents.

Dahan-dahan nang gumagawa ng sariling music at tatak bilang singer si Kiana.

vuukle comment

SAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with