^

Punto Mo

Tips ng PNP kaugnay sa Undas

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Maigting ang ginagawang paghahanda ng PNP at iba pang ahensya para mabigyang seguridad ang ating mga kababayang magsisiuwian sa kani-kanilang mga lalawigan.

Long weekend ngayon kaugnay ng Undas.

Malamang ngayon pa lamang siguradong dadagsa na ang mga pasahero sa mga terminal, airport at pantalan dahil sa mahabang bakasyon kaugnay sa Araw ng mga Patay.

Kung marami ang magsisiuwi, maraming mga bahay ang mawawalan din ng tao, kaya nga dahil dito, ilang tips ang inilabas ng PNP.

Una nga sa mga bibiyahe iwasan na ang magdala ng mara-ming bagahe dahil sa tiyak na magiging siksikan na sa mga terminal. Laging bantayan ang mga dala-dalahan dahil nagkalat marahil ang maraming kawatan. Maging ang mga paslit na kasama huwag lubayan ng tingin.

Sa mga magdadala naman ng kani-kanilang mga pribadong behikulo, dapat bago ibiyahe ang mga sasakyan, i-check mabuti ang kondisyon nito para hindi na maabala sa gitna ng daan.

Eto ngayon, siyempre nag-aalala rin ang mga magsisiuwi sa kanilang mga lalawigan sa iiwan naman nilang tahanan at kabuhayan kaya, eto ang ilang tips.

Hanggat maari nga sana ay mag-iwan ng tao sa bahay, pero kung hindi maiiwasan narito ang ilang dapat bigyang pansin.

Siguruhing naka-lock ang lahat ng pinto at bintana, huwag mag-iiwan ng anumang notes sa labas ng bahay lalu na kung ipinapaalam ninyong walang tao na naiwan.

Siguruhin rin na walang naka-plug na appliances, ibilin sa pinagkakatiwalaan ninyong kapitbahay ang iiwang tahanan.

Sa mga magtutungo sa sementeryo, sundin na lang lahat nang tagubilin ng mga awtoridad para na rin ito sa inyong kaligtasan.

vuukle comment

PNP TIPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with