^

Probinsiya

Witness sa nakawan, inutas

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines – Patay nang matagpuan ng kanyang ina ang 19-anyos na anak sa abandonadong balon na pinagmiminahan sa Barangay Batobalani, bayan ng Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Raymund Nieva ng Purok 5 ng nasabing barangay. Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib ang biktima na natagpuan dakong ala-una ng hapon. Batay sa pahayag ng ina na si Elsie Nieva, huling nagpaalam ang kanyang anak noong Lunes (October 24) na may pupuntahan subalit hindi na nakabalik kinagabihan. Sa labis na pag-aalala ng magulang, kaagad na hinanap ang biktima hanggang sa matagpuan sa balon na may ilang metro ang layo sa kanilang bahay. Nabatid na ang biktima ay isa sa tumestigo laban sa isang nakawan na naganap sa kanilang barangay.

vuukle comment

WITNESS SA NAKAWAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with