^

Probinsiya

2 drug suspek todas sa tandem

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Dalawa-katao na sinasabing drug suspek ang napaslang  sa panibagong paghahasik ng karahasan ng motorcycle-riding gunmen sa magkahiwalay na lugar sa Barangay Poblacion 2 at Barangay Santa Rosa 1 sa bayan ng Marilao, Bulacan noong Lunes ng gabi. Sa ulat nina SPO1 Enrique Areja at PO3 Joel Baualan, nakikipag-usap sa mga kaanak at kaibigan ang biktimang si Reynaldo Lumidao sa bisinidad ng  barber shop na pag-aari ng kanyang ama ng lapitan at ratratin ng tandem sa Brgy. Poblacion 2. Samantala, napatay din si Buboy Castelan matapos itong pagbabarilin ng kanyang kausap sa bisinidad ng water refilling station sa Villarica Road, Brgy. Santa Rosa 1. Sa tala ng pulisya, ang dalawa ay nasa drug watchlist ng pulisya. Narekober sa magkahiwalay na crime scene ang 12-basyo ng dalawang cal. 45 pistol, dalawang karatula na may nakasulat na “akyat-bahay, magnanakaw at adik” at “pusher/adik ako, wag pamarisan.”

vuukle comment

TODAS SA TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with