^

PSN Showbiz

Marlon naghihintay ng ‘oo’ ni Pia bago mag-Pasko!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Marlon naghihintay ng �oo� ni Pia bago mag-Pasko!
Marlon Stockinger at Pia Wurtzbach

Aminado si Marlon Stockinger na madalas silang lumalabas ni Pia Wurtzbach. Nagpapasalamat daw ang binata dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makilala ang Miss Universe 2015. “Obviously we see each other but we just want to keep it down low pretty much. But yeah, I’ve been seeing Pia. It’s amazing, Pia is very beautiful of course. That is the reason why she is Miss Universe. I just feel lucky that we got to meet and we’ve been seeing each other,” nakangiting pagtatapat ni Marlon.

Sa ngayon ay nahihirapan ang racer na makita at makausap si Pia dahil nasa ibang bansa ang beauty queen. “Well, it’s difficult obviously she’s across the Atlantic right now, I’m here in the Philippines. I’m also in Europe so whenever we get the chance, we make the most out of it,” pagbabahagi ni Marlon.

Nililigawan pa rin ng binata si Pia at magiging mas masaya ang Pasko ngayong taon ni Marlon kung sasagutin na siya ng dalaga. “You can say that we’re on the early stages, obviously we’ve only just begun to know each other and can’t predict the future right now, but probably that would be an awesome Christmas gift. So we’ll see,” pagtatapos niya.

Angelica tanggap na ang nangyari kina John Lloyd at Maja

Malapit nang mapanood ang pelikulang pinagsamahan nina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, at Dingdong Dantes. Ayon kay Angelica ay mas nakilala niya ngayon ang dalawang aktor at maging ang kanilang staff at crew sa bagong proyekto. “Tapos na kami actually, well habang tumatagal ‘yung paggawa namin sa movie, marami ako nadi-discover sa mga katrabaho ko, hindi lang sa mga artistang involved sa pelikula, kundi sa mga katrabaho sa likod ng camera. Kaya habang tumatagal mas exciting at excited ako para sa mga tao na mapanood ang pelikula na bagong kwento at bagong atake ng pagmamahalan,” bungad ni Angelica.

Samantala, kamakailan ay napabalita na muling nagkikita ang aktres at ang dating kasintahan na si John Lloyd Cruz. Ayon kay Angelica ay magkaibigan naman sila ng aktor at walang masama kung muli silang magkita at magkausap.

Nabalitaan din ni Angelica ang tungkol sa diumano’y pagkakamabutihan na nina John Lloyd at Maja Salvador. Pumutok ang balitang nag-uugnay kina John Lloyd at Maja dahil sa mga larawan na magkasama ang dalawa sa social media kamakailan. Tanggap daw ni Angelica kung malapit man sa isa’t isa sina Maja at John Lloyd. “Wala naman, mas nauna na talaga sila mas naging magkaibigan kaysa sa akin,” giit ni Angelica.

Sa ngayon ay wala pa ring karelasyon ang dalaga at ang mga trabaho na lamang daw muna ang kanyang pagtutuunan ng panahon. “Ngayon oo, excited lang ako sa lahat ng trabaho ko,” giit ng dalaga.

vuukle comment

MARLON STOCKINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with