^

PSN Showbiz

Kris pumatok sa pagbisita kina James at Michela!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris pumatok sa pagbisita kina James at Michela!
Michela, Bimby, At Kris

In fairness, pinupuri ang pagdalaw ni Kris Aquino at ng kanyang anak na si Bimby kay Michela Cazzola at sa baby boy nito na si MJ.

Si Kris ang gumawa ng paraan as in siya ang nag-reach out sa kanyang ex-husband na si James Yap para mabisita nila ni Bimby ang bagong silang na half-brother nito.

Hindi na hinintay ni Kris na mapabalita ang good deed niya dahil siya mismo ang nag-share sa social media ng pagdalaw nila ni Bimby sa mag-inang Michela at MJ.

Ikinatuwa ng marami ang gesture ni Kris dahil sa humility na ipinakita niya.

Pero siyempre, hindi nawawala ang mga intrigera at tsismosa na pinipintasan ang ginawa ni Kris. Inaakusahan nila na sinadya ni Kris na ang pagdalaw sa stepmother at half-brother ng kanyang anak para mapag-usapan siya.

Hindi na alam ni Kris kung saan ilulugar ang sarili. Noong nagsalita siya tungkol sa mga alahas ni former First Lady Imelda Marcos na diumano’y ginagamit niya at ang kanyang pag-ungkat sa isyu ng pagsisilang ni Michela ng baby boy, pinagbintangan siya na binubuhay ang mga balita na pinaglumaan na ng panahon.

Ngayong bagong-bago ang isyu ng pagbisita niya sa mag-inang Michela at MJ, gumigimik para maging relevant uli ang bintang sa kanya.

At least, wagi ang latest action ni Kris dahil talagang nakipag-agawan ng espasyo sa mga entertainment news ang pag-reach out niya kina James at Michela.

Kahit isang araw lang na pinag-usapan ang kanyang pralala, nagtagumpay pa rin si Kris na ma-feel ng madlang-bayan ang presence niya kesehodang hindi na siya visible sa telebisyon, maliban sa kanyang mga television commercial.

Male celeb iniitsapuwera sa buhay ng anak nila ng ex na aktres!

May tampo ang male celebrity sa kanyang girlfriend na aktres dahil sa paraan ng pagpapalaki nito sa kanilang love child.

Nang magdiwang ng birthday ang bagets, naloka ang male celebrity dahil hindi siya kasali sa prayer na ini-recite ng kanyang anak.

Na-hurt ang male celebrity, lalo na nang sabihin ng aktres sa kanilang anak na magdasal uli ito para sa fadir niya. Isyu sa male celebrity ang eksena dahil itsapwera siya sa dasal ng anak nila ng aktres.

Baka naman nagiging sensitive lang ang male celebrity dahil may oras at araw ang pagdalaw niya sa bagets? Naghiwalay ang male celebrity at ang aktres dahil mababaw na dahilan ng huli na na-Luz Valdez ang pagmamahal nito sa ama ng kanyang anak.

May mga nagsabi na mali ang desisyon ng aktres dahil mabait, responsible, at husband material ang male celebrity na handa siya na pakasalan pero hiniwalayan niya.

Magiging anak nina Alden at Maine inaabangan na 

Dahil kiyeme-kiyemeng kasal na sina Maine Mendoza at Alden Richards sa Kalyeserye ng Eat Bulaga, ang pagbubuntis at pagsisilang ni Maine sa anak nila ni Alden ang inaabangan ng avid fans ng kanilang loveteam. Puwedeng mangyari ang wish ng AlDub fans dahil anything can happen sa kalyeserye ng Eat Bulaga na masyadong generous sa mga tagahanga nina Alden at Maine.

Kung ano ang gustong mangyari ng AlDub fans sa love story ng kanilang mga idol, ito ang ibinibigay ng production staff ng Eat Bulaga.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with