^

Police Metro

UFSI pinangunahan ang Seafarers Week

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinangunahan ng United Filipino Seafarers Inc., na pinamumunuan ng kila­lang tagapagtanggol ng karapatan ng mga marino na si Engr. Nelson Ramirez ang pagdaraos ng Seafarers Week na kung saan ay nagtipun tipon ang daan-daang mga seaman sa kilalang tambayan ng mga ito sa LUSWELF, Kalaw St. Emita, Maynila kamakailan.

Naging pangunahing pandangal sa nasabing okasyon sina MARINA Administrator, C/Engr. Al Amaro; DIWA Party­list Representative Emmeline Aglipay-Villar; Philippine Ports Authority General Manager, Atty. Jay Daniel Santiago at NLRC Commissioner Atty. Leonard Vinz Ignacio.

Sa naging pahayag ni Ramirez, muling ipinaalala nito na nanati­ling matatag ang UFS para pangalagaan ang kapakanan ng mga marino at ipinaalala niya sa mga ito na patuloy na magsikap upang mas-umunlad pa sa kanilang napiling landasin.

Ayon naman kay MARINA Admin. A­maro, kahit na naungusan na ng China ang Pilipinas sa pagpo-produce ng mga marino sa iba’t ibang bansa ay hindi pa rin matatawaran ang na­giging kontribusyon ng mga Pilipinong marino sa maritime industry ng mundo.

Ang selebrasyon ay sinimulan sa pamamagitan ng motorcade nitong September 26, dinaluhan din ng mga exhibitors, iba’t ibang manning at shipping agencies at nakatakdang magtapos sa Biyernes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with