^

Police Metro

3 todas sa drug operation

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napatay ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang tatlong na umano ay sangkot sa iligal na droga sa magkasabay na operasyon sa Delpan, Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawing suspek ay kinilalang sina  Roldan Amora alyas “Bryan” 35, miyembro ng Batang City Jail (BCJ), residente ng Delpan St., Binondo; Reynaldo Agrigado; at isang Raffy Sardido, 31, miyembro ng BCJ.

Batay sa ulat, magkasabay na nagsagawa ng operasyon ang Station Anti-Illegal Drug –Special Operation Task Unit ng MPD-Station 11 sa pangu­nguna ni Chief Insp. Leandro Gutierrez dakong alas-9:30 ng gabi malapit sa bahay ni Amora at ni Agrigado.

Sa gitna ng pakikipagtransaksiyon ng poseur-buyer kina Amora ay may isang tambay na sumigaw ng “pulis onse yang kausap mo..”, hanggang sa bumunot umano ng baril si Amora at nakipagputukan hanggang sa bumulagta ito.

Malapit lamang sa lugar kung saan napatay si Amora ay napatay din sina Agrogado at Sardido nang manlaban sa buy bust.

Nasamsam ang (5) limang  kalibre 38 baril, 11 plastic sachet ng shabu at isang magazine para sa 9MM na baril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with