^

Police Metro

De Lima paiimbestigahan sa Bilibid riot

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakatakdang paimbestigahan ng oposisyon sa Kamara sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) kung mayroong kinalaman si Senador Leila de Lima sa nangyaring riot sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) kung saan napatay ang isang convicted drug lord at pagkasugat ng tatlong iba pa kabilang ang kontro­bersiyal na inmates na si Jaybee Sebastian.

Ayon kay Kabayan partylist Rep. Harry Roque, kaila­ngang imbestigahan ng mga otoridad ang posibleng pagkakasangkot ni De Lima sa nangyaring riot at dahil sa nangyaring insidente ay hindi na makakadalo pa sa pagdinig ng Kamara sa Oktubre 5 si Sebastian.

Iginiit naman ni House Justice Commitee chairman Reynaldo Umali kung hindi makakadalo si Sebastian sa Oktubre 5 dahil sa pangyayari ay dapat itong dumalo sa Oktubre 6 at 7.

Bukod kay Sebastian kasama sa mga papadalhan ng subpoena ay sina Ronnie Dayan, dating driver-body guard ni De Lima at dating security aide niya na si Joenel Sanchez, dating Bucor Chief Franklyn Bucayu at dating PAOCTF chief Reginald Villasanta.

Bukod dito ang mga tetestigo rin umano  sa mga high profile inmate sa Bilibid ang nagkumpirma na tumatanggap si De Lima ng malaking halaga buhat sa drug money kay Sebastian.

Naniniwala naman si Roque na hindi kayang kontrolin ng gobyerno ang NBP kaya nagkakaroon ng ganitong kaguluhan bunsod na rin sa sobrang dami ng nakapiit dito kaya nagkaroon ng riot sa loob ng Bilibid.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with