^

Police Metro

Rookie cop binoga ng landlord

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahilan sa matinding selos, patay ang isang bagitong pulis-Maynila makaraang patraydor na pagbabarilin habang nakatalikod ng landlord sa inuupahan nitong boarding house sa Malate, Maynila kahapon ng madaling araw.

Anim na bala sa likod at katawan ang tumapos sa buhay ng biktimang si PO1 Alwin Kirk Gonzales, nakatalaga sa Station 9 ng Manila Police District at residente ng #143  A. Balagtas St., Malate, Maynila

Samantalang pinag­hahanap naman ang tumakas na suspek na kinilalang si Eli Matthan Sumampong alyas Jonathan, 33, negos­yan­te, residente ng No. 2909 City Land To­wer I, Pablo Ocampo St. Malate, Maynila at may-ari ng inuupahang boarding house ng biktima.

Sa ulat ni PO3 Ryan Jay Balagtas, ng MPD-Homicide Section, dakong alas 2:30 ng mada­ling araw nang maganap ang pamamaril sa hallway papasok sa kuwarto ng biktima.

Sa imbestigasyon, ang biktima ay umawat lamang sa away ng suspek at dating kinakasama nito na si Girly Espinosa hanggang sa iwan na nito ang dalawa at nagpasiyang pumasok na sa kaniyang kuwarto subalit hindi niya alam na sinundan siya ng suspek at barilin ito habang nakatalikod.

Inaalam pa ang impormasyon kung may namamagitang selos sa suspek at biktima dahil naghihinala umano na karelasyon si Espinosa ng nasabing pulis kaya kinalasan ang negosyante.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with