^

Police Metro

Matobato hindi miyembro ng Scout Rangers, CAFGU

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ni Army Spokesman Col. Benjamin Hao ang pahayag ni Edgar Matobato  na dati siyang miyembro ng Scout Rangers at CAFGU na nagsabing umaabot sa mahigit 1,000 katao ang kaniyang napatay mula 1988 hanggang 2013.

“Based on records he (Matobato) was not a member of Scout Ranger and even the CAFGU”, paglilinaw ni Hao.

Si Matobato ay umaming isa sa mga hitman ng Davao Death Squad na nilikha umano ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pagharap ni Matobato sa Senado ay sinabi nito na isa siyang dating miyembro ng Scout Rangers ng Phil. Army pero sa kalagitnaan ng pagdinig ay sinabing CAFGU naman.

Ayon kay Hao hindi kuwalipikado ang Grade 1 sa elite forces ng Phil. Army na bihasa sa combat operation at dumadaan muna sa masusing background check bago maging CAFGU upang matiyak na walang magiging paglabag sa karapatang pantao sa isinasagawang mga operasyon.

Hinggil naman sa sinasabing international terrorist ni Matobato na kanilang napatay na tinukoy nitong si Salik Makdum ay  sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na kasalukuyan pa nila itong beneberipika.

Ayon naman sa ilang sources na wala sa gallery ng mga high value targets na international terrorist ang nagngangalang Salimacdum na sinasabi ni Matobato.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with