^

Police Metro

Senador atbp isinabit ni Mayor Espinosa sa kanyang sworn affidavit

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naglabas ng sari­ling drug matrix si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa na kanyang pinirmahan at ibinigay sa pulis at dito ay sangkot bilang protektor ng iligal na droga  ang kontrobersiyal na senador.

Ito ang ibinulgar ni Mayor Espinosa sa drug matrix na nasa kamay na ng PNP.

Si Espinosa ay nasa ilalim ng protective custody sa himpilan ng Albuera police.

Ayon kay Chief Inspector Jovie Espenido, hepe ng Albuera police  na pirmado ni Mayor Espinosa ang kanyang mga pahayag na kasama ang senador na protektor ng illegal drugs sa bansa kung saan pinatotohanan ng tatlong testigo na nakakaalam sa drug matrix sa Eastern Visayas na kinasasangkutan ng wanted na si Kerwin Espinosa.

Si Kerwin ay anak ni Mayor Espinosa na itinuturing na No. 1 drug lord sa Eastern Visayas  ay  nagtatago sa Malaysia.

Inamin naman nito  na bukod sa senador ay may ilan pang mga kila­lang opisyal sa gobyerno ang nasa drug matrix tulad ng isang heneral ng PNP, gobernador at mga miyembro ng local media, pero tumangging tukuyin ni Espenido ang mga pangalan ng mga ito.

Ayon pa kay Espenido na ang sinumpaang testimonya sa drug matrix ni Espinosa ay isinumite na sa matataas na opisyal ng PNP kung saan inaasa­hang si Pangulong Rodrigo Duterte ang magbubulgar sa mga ito at ihahanda na rin nila ang pagsasampa ng kaso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with