^

Police Metro

Itinumba sa pier... Digong: Sinong gustong sumunod sa drug lord couple?

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga  drug syndicates tungkol sa sinapit ng mag-asawang  Odicta na umano ay mga drug lord matapos itumba kahapon ng madaling araw sa  pier ng Caticlan, Aklan.

“Sino gustong sumunod dito kay Odicta, bakante ngayon. Patay na raw,” pahayag ni Duterte nang mabalitaan nya nang dumalaw sa burol ng isang pulis na napatay sa anti-drug o­peration. 

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw ay naglalakad ang mag-asawang sina Melvin Odicta, na  tinaguriang Dragon drug lord ng Iloilo at misis nitong si Merriam  sa walkway ng port terminal galing sa roll-on-roll –off vessel nang pagbabarilin ng mga salarin.

Nagawa pang maisugod ang mag-asawa sa Malay Hospital, subalit idineklara silang dead-on-arrival.

Sinabi ni Pangulong Duterte na si Melvin alias “Dragon,” ay sangkot sa illegal drugs hindi lang sa  Iloilo kundi sa maraming parte ng Visayas. 

Pinabulaanan na ito nina Melvin at misis na si  Merriam noong Huwebes nang sila ay sumuko kay Interior Secretary Mike Sueno sa Camp Crame na nangako pang ibubulgar ang ‘drug matrix’ tungkol sa mga pulitiko at opis­yal ng PNP na sangkot sa droga.

Ang mga ito ay kinunan ng ‘judicial confession’ sa PNP-Criminal Investigation Group (PNP-CIDG) at matapos ito ay pinauwi rin.

Hindi naman kumbinsido si PNP Chief P/Director General Ronald dela Rosa sa pagtanggi ng mag-asawa sa drug list ng PDEA.

“Siya ay wanted at number 1 drug lord. Talagang drug lord ito at ibinalita sa akin na binaril at napatay ang mag-asawang Odicta. I cannot say an­y­thing good or bad. ‘Yan ang pinili niya eh,” wika ni Duterte. 

“’Yang Odicta was really being hunted. Inabot siya ng malas,” dagdag pa ni Duterte. 

Una nang ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si  Odicta ay  major supplier ng  drugs sa lalawigan ng  Iloilo at kilala ito bilang “Dragon”.

Ayon sa pulisya, posibleng natatakot umano ang mga drug lords at mga protektor ng mag-asawa na ibulgar sila sa drug matrix kaya pinatahimik ang mga ito.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagpatay sa mag-asawang Odicta.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with