^

Police Metro

1,000 Army troops idineploy vs Abu Sayyaf

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Upang mapabilis ang paglipol sa nalalabi pang  mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG), dalawang batalyon pa o isanglibong tropa ng mga sundalo ang isinabak sa lalawigan ng Sulu at Basilan.

Sinabi ni AFP Western Mindanao Command Major Felimon Tan, ang karagdagang mga sundalo ay idineploy sa naturang mga lalawigan kaugnay ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pulbusin na sa lalong madaling panahon ang puwersa ng mga bandido.

“Our objective is clear to destroy the Abu Sayyaf . Now, our troops can cover more areas, they can block the places use by the enemies to evade military operations,” pahayag ni Tan kung saan kabilang sa idineploy na puwersa ay ga­ling sa balwarte ni Duterte sa Davao Region na ipinull-out sa communist rebels area.

Sa kasalukuyan, sa pagsabak ng karagdagang tropa ng militar, umaabot na sa 5,000 ang puwersa ng mga sundalo sa Sulu at nasa 3,000 naman sa Basilan na tumutugis sa mga bandido upang masagip ang nalalabi pang mga hostages.

Ayon sa opisyal, determinado silang malipol ang puwersa ng mga bandido alinsunod sa kautusan ng punong ehekutibo na tulu­yang napundi sa pamumugot ng ulo kamakailan ng Abu Sayyaf sa hostage victim na si Patrick Almodovar, 18 anyos.

Si Almodovar ang kauna-unahang hostage na napugutan ng ulo ng mga bandido sa ilalim ng administrasyong Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with