^

Police Metro

2 tiklo sa P1.2-M party drugs

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng Mandaluyong City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang lalaki na pinaghihinalaang notoryus na drug traffickers  sa isang buy bust operation sa isang condominium sa Mandaluyong City at nasamsam ang nasa P1.2 milyon halaga ng party drugs kamakalawa ng gabi.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Ronald Fonda, 33 at Gervy Lee, 28 ay huli sa akto na nagre-repack ng party drugs tulad ng cocaine, Valium, marijuana, at mga tabletas ng iba’t ibang klase ng ecstasy.

Na­samsam rin ang mga blangkong kapsula, drug utensils, at mga sangkap sa paggawa ng droga na ayon sa mga operatiba ay nagkakahalaga ng P1.2 M.

Nabatid na inihahahalo ang mga droga gamit ang blender, saka inilalagay sa mga kapsula para maibenta bilang party drug.

Ang sinalakay na condominium unit ay pag-aari ng isang tinukoy sa pa­ngalang Carl na matagal ng tinitiktikan ng mga otoridad kaugnay ng napaulat na pagpapakalat ng party drugs.

Kapwa naman mariing itinanggi ng dalawa ang paratang na supplier sila ng party drugs at umano’y caretakers lamang sila ni Carl na nasa likod nito. Nabigo namang masakote si Carl na wala sa nasabing unit ng isagawa ang operasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with