^

Police Metro

Kasabwat ni Kerwin Espinosa, nadakip

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga otoridad ang isang umanoy ka­sabwat ng number 1 drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa sa isang raid sa pension house sa Cebu City kahapon ng  umaga.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 7 Director  P/Chief Supt. Noli Taliño ang nasakoteng suspek na si Roderick Palermo Espina, 54, tubong Maasin, Southern Leyte at nag-iisang anak ng dating Maasin, Leyte Mayor Edgarino Espino na nanirahan sa Brgy. Lahug, Cebu City noong dekada 80.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang magsagawa nang pagsalakay ang mga otoridad sa All Sons Inn pension house  sa nasabing lungsod matapos na makatanggap ng impormasyon ang pulisya sa  kaduda-dudang kilos ng suspek na hindi pinalilinisan  ang kuwartong inokupa nito sa loob ng anim na buwang pananatili dito habang  ipinagtatabuyan ang mga staff na lumalapit sa kaniyang tinutuluyan.

Agad namang tiniktikan ng mga operatiba  na  umupa sa katabing kuwarto ng suspek para malaman ang bawat galaw nito.

Kahapon ng umaga ay tuluyan nang pinasok ng mga operatiba ang kuwarto ni Espina matapos na magpanggap ang mga ito na roomboy na magdadala ng order nitong pagkain.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang cal. 22 revolver at isang cal. 45 pistol,  hindi pa madeterminang dami ng   marijuana at shabu gayundin ang mga kagamitang gamit sa paggawa ng shabu.

Inamin ni Espina na kasabwat siya ni Kerwin sa illegal drug trade pero bukod dito ay wala namang nakuhang impormasyon ang mga otoridad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with