^

Police Metro

Magkapatid na paslit patay sa sunog

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines – Halos hindi na nakilala ang bangkay ng dalawang magkapatid na paslit matapos na makulong sa nasusunog nilang bahay kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

Ang mga nasawi ay kinilalang  sina  Eunice, 2-anyos at ang sanggol nitong kapatid na si Princess Nicole Benigal, 1-anyos.

Batay sa ulat, dakong alas-12:34 ng magsimula ang sunog sa isang bahay sa Everlasting Homes, Brgy. Talon, 4 ng lungsod matapos maiwan ang nakasin­ding kandila.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang bahay ng mga biktima na nagkataong wala ang kanilang mga magulang na sina Roselyn  Binegla at Richard Palmones.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at dakong alas-2:55 ng madaling araw nang ideklarang fire under control na kung saan ay humigit kumulang na nasa 40  kabahayan ang natupok.

Sa isinagawang mopping operation ay doon nakita ang bangkay ng magkapatid.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with