^

Police Metro

Doktor, 1 pa tiklo sa drug bust

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga otoridad sa isang drug bust operation ang dalawang lalaki kabilang ang isang doktor kamakalawa ng gabi sa Brgy. Limaha, Butuan City, Agusan del Norte.

Kinilala ang nasakoteng mga suspek na sina Dr. Frederick Padilla, 36, surgeon sa Butuan City Medical Center at Jefrix Galon alyas Jepoy, pawang residente ng lungsod.

Batay sa ulat, bago isinagawa ang buy bust operation bandang alas -11:25 ng gabi sa loob ng Gloreto Guest House sa nasabing lugar ay nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad hinggil sa pagtutulak ng droga  ng mga suspek.

Agad nagsagawa ng surveillance operation ang mga operatiba at hindi na nakapalag ang mga suspek nang arestuhin sa aktong iniaabot ang shabu sa isang poseur buyer na pulis.

Narekober ng mga otoridad mula sa mga suspek ang 11 sachet ng shabu na tumitimbang ng 4 gramo na nagkakahalaga ng P47,200.00, drug paraphernalias at dalawang piraso ng tig. P500.00 bill na pinaniniwalaang kinita ng mga ito sa illegal drug trade.

Ayon sa pulisya, si alyas Jepoy ay kabilang sa nasa drug watch list ng pulisya ng lungsod.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with