‘No permit, no exam’ policy gagawing krimen
MANILA, Philippines – Gagawin nang krimen ang “no permit,”no exam” policy sa post secondary at higher education na kung saan ay hindi pinapayagang makakuha ng midterm o final exam ang hindi nakakabayad ng tuition fee at iba pang school fees.
Ito ang panukalang batas na isinusulong sa Senado na inihain ni Senator Cynthia Villar, tatawagin na tatawaging”Anti-No Permit, No Exam Act of 2016”.
Gagawing labag sa batas ang pagpapakuha ng permit sa mga estudyante para lamang makakuha ng midterm, periodic o final examination.
Anya, tipikal na sa mga magulang ang magsakripisyo para sa kapakanan ng kanilang mga anak.Pero, mayroon pa rin aniyang mga hindi maiiwasang pangyayari kung saan hindi nakakabayad ng tuition fee ang mga anak sa tamang oras.
- Latest